Monday, January 16, 2012

mga alaalang ngayo'y panaginip

"nang sya ay yumao, kasabay ding gumuho ang dating tahanan, kung saan nabuo ang maraming mga pangarap, kung saan naganap ang mga paglisan at mga pagdating na walang kabuluhan... sa tahanang iyon na sa paglipas ng mahabang panahon ay tuluyang naging marupok, nilikha ko noon at tinipon ang mga alaalang isinilid sa aking mga panaginip. na ngayon ay sinisilip, hinuhugot mula sa mga sulok tuwing gabi o madaling araw, saan man maidlip. ... marahil upang manatiling buo at hindi gumuho, tulad ng tahanang iyon ng aking kabataan. ... salamat sa mga ala-alang isinilid, ngayo'y mga panaginip."

0 wandered: